Anong mga serbisyo ang inaalok ng Our Lady of Eternal Peace?
Ang Our Lady of Eternal Peace (OLEP) ay nag-aalok ng pagbebenta ng memorial lots, pre-need at at-need plans, at after-sales support tulad ng tulong sa paglilipat ng lot o pagbebenta muli, pagproseso ng lapida, at pag-iskedyul ng libing. Mayroon ding mga optional na serbisyo gaya ng paggamit ng chapel para sa burol o misa.
Saan matatagpuan ang park at paano ito mapupuntahan?
Matatagpuan kami sa Luwasan, Muzon West, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan, Philippines. Bukas ang parke para sa pagbisita araw-araw mula 6:00 AM hanggang 6:00 PM. Para sa direksyon, maaaring gamitin ang Waze o Google Maps. Maaari rin kayong tumawag sa aming opisina para sa guided site viewing o karagdagang impormasyon sa Cellphone No. 0932-1094-554 / 0998-9694-554 o sa (044) 68-0088 (landline).
Paano ako makakabili ng lote sa OLEP at ano ang mga opsyon sa pagbabayad?
- Maaari kayong makabili sa pamamagitan ng aming mga sales agent o direkta sa aming opisina. Ang mga opsyon sa pagbabayad ay kinabibilangan ng spot cash at installment plans na may mababang paunang bayad o direktang buwanang hulog.
Ano ang iba't ibang uri ng memorial lots na available?
- Mayroon kaming Lawn Lots, Family Estates, Memorial Courts, at Columbarium crypts na may iba’t ibang laki at kapasidad.
Pwede bang installment ang bayad sa lote? Ano ang terms at interest rate?
- Oo, nag-aalok ang OLEP ng flexible installment plans mula 1 hanggang 6 na taon.
- Para sa 1 hanggang 2 taon: 0% interest
- Para sa 3 hanggang 6 na taon: 16% interest kada taon
Bukas ba ang parke para sa libing tuwing weekend at holidays?
- Oo, maaaring magpa-schedule ng libing tuwing weekend at holiday basta’t may koordinasyon at aprubado nang maaga.
Anong mga dokumento ang kailangan para sa interment?
- Death certificate
- Burial permit
- Certificate of ownership
- Special Power of Attorney (SPA) kung wala ang may-ari ng lote
- Cremation document (kung cremated ang namayapa)
- Transfer permit (kung galing sa labas ng Bulacan)
- Exhumation permit (kung mula sa ibang sementeryo o memorial park)
- Valid ID cards
Pwede bang ilipat o ibenta muli ang memorial lot?
- Oo, maaaring ilipat o ibenta muli ang lote. Kinakailangan lamang mag-file ng deed of assignment sa OLEP office, na sasailalim sa verification at may kaukulang bayad.
Ano ang mga patakaran sa maintenance at pagpapaganda ng lote?
- May itinakdang guidelines ang OLEP para mapanatiling malinis at maayos ang parke. Ang landscaping, dekorasyon ng halaman, at anumang istruktura ay kailangang sumusunod sa regulasyon ng parke.
Mayroon bang chapel o wake facilities sa loob ng parke?
- Oo, mayroon kaming chapel na maaaring i-reserve para sa burol, viewing, at misa.
Ano ang patakaran ninyo sa exhumation o paglipat ng labi?
- Pinapayagan ang exhumation o relocation kapag kumpleto ang dokumento, may mga permit, at sumusunod sa patakaran ng parke at gobyerno.
May pre-need plans ba kayo at ano ang mga benepisyo nito?
- Oo, may pre-need plans kami. Ang mga ito ay nagbibigay ng seguridad sa hinaharap dahil nakukuha ang lote sa kasalukuyang presyo at may opsyon sa installment. Nagbibigay ito ng kapanatagan ng loob sa oras ng pangangailangan.
Sino ang pwedeng kontakin para sa customer service o after-sales support?
- Maaari kaming tawagan sa cellphone no. 0932-1094-554 / 0998-9694-554
Email: sales@ourladyofeternalpeace.com
O bumisita sa aming opisina mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM
Paano naiiba ang Our Lady of Eternal Peace sa ibang memorial parks?
- Ang OLEP ay kilala bilang pinakaprestihiyosong memorial park sa Bulacan — tanyag sa maraming puno at tahimik na kapaligiran. Nagbibigay kami ng de-kalidad na serbisyo sa libing gamit ang modernong kagamitan.
May mga plano ba para sa expansion, bagong features, o partnership gaya ng crematorium services?
- Oo, mayroon pa kaming 15 ektaryang lupa na available para sa expansion. Kasalukuyan din naming pinag-aaralan ang mga posibilidad ng partnership para sa crematorium at iba pang serbisyo.
Ilan ang maaaring ilibing sa isang lote?
- Ang isang lote ay maaaring tumanggap ng hanggang 2 bagong bangkay at 4 na urns ng buto o abo. Ang mga buto o abo ay kailangang ilagay bago o sabay sa dalawang bagong bangkay.